SIMBANG GABI NA!!! - PASKO NA!!!
|
all pictures from google images |
|
all pictures from google images |
|
all pictures from google images |
Totoo na to.. eto na nga! Iba talaga ang Paskong Pinas!
Paskong Pinoy.
Kahit pa alam natin na September pa lang Pasko na sa atin,
pag dumadating na ang Simbang Gabi,
para tayong mga ikakasal na excited,
mga gagraduate na umaasa,
parang mga kinder na papasok sa school...
ayan na ang bibingka,
puto bungbong,
tsokolate,
queso de bola,
ang bagong damit. hahaha!
taon taon pare pareho naman, pero walang nagsasawa???
Bukas sa simbahan, ayan na ang dami ng tao..
sa unang gabi, sa pangalawa, sa pangatlo..
ewan ko yung pang apat at mga sumunod.
Sigurado sa 24 na ulit ang balik nila..
gaya ko. hehehe.
|
all pictures from google images |
Dec. 14, 2010 - nagsabi si moomy kung gusto daw ba namin tapusin yung 9 na simbang gabi. syempre sumagot ako ng oo.
habang pinaplano k sa isip ko paano nga ba ako gigising ng alas 4 ng umaga, samantalang nun pa lang ako inaantok!!! hindi na ko kumontra, sabi ko na lang sige gisingin mo ko!!!
Nasa tabi ng mesa sila nove, sonia at si mira.. pag alis ni Mommy sabay sabay silang nagtawanan... natawa daw sila aat sa malamang hindi nga kami makapag simba..
Dec. 15, 2010 - alas 7 ng gabi ng tanungin ako ni nove, kung tuloy daw ba kami magsimba, pinapatanong daw ni Mommy, sabi ko naman oo. ilang oras na ko nagpaplano matulog, alas 11 na ng gabi walang antok na dumadapo sa kin.. Dyos ko po!
|
all pictures from google images |
Ngyon pa lang iniisip kona ano nga ba gagawin ko pagdating ng alas 3 ng umaga na kadalasang may dumadaan na musiko para manggising.. hindi sigurado eepekto sakin yun... Buti na lang ang layo ng kwarto ko sa kalsada.. ay teka, kailangan ko nga pala magising mamya...
at gaya ng kadalasang nangyayari.. kahit alarm ng celphone, hindi umi epekto.. INTERCOM na matagal na ring ang panggising nila sakin...
Sisiguraduhin ko na makapag simba ako ngayong UNANG SIMBANG GABI, gaya ng mga nagdaang taon.
at gaya ng mga nagdaang taon, puro UNANG SIMBANG GABI lang ako nakakasimba, tsamba yung 3 gabi. hehehe Ayaw ko kasi mangako na tatapusin ko, pipilitin ko... as in.
Natatawa nga ako nung mapag usapan namin ng mga kasama namin sa bahay at ni Teacher Mira, na baka sa bandang huli, maipapagmaneho ko lang si Mommy gabi gabi... pero tulog daw ako sa kotse habang nasa loob si Mommy.
malalaman ang galing ko sa simbang gabi.. abangan!!