A woman's blog of Life - and living it Wisely!!

LIVE - LOVE - LAUGH - EAT - PRAY - LEARN - SURVIVE - THRIVE - INSPIRE -- and blog all of it!

Tuesday, October 26, 2010

ugaling ewan!

just saying...
Ang pakikisama ay hindi nasusukat ng ngiti at simpleng pag beso beso lang!

Nakakapikon na ang mga kalukahan na kailangan ay lagi kong sakyan dahil sa pakikisama.
Masyado naman yatang nakakalimutan ang agwat ng edad at kung sinoang kaharap.
totoo nga sigurong, madadaming nagbago, nagbabago at magbabago - sa pag usad ng panahon at sa pagkapal ng bulsa ng isang tao.
Pigil na pigil ang aking emosyon sa pagsusulat ng gusto kong ibahagi... dahil na din siguro sa pakikisama - nag isip ako bigla, pakikisama nga ba ang iniisip ko o pagmamahal at respeto sa taong maaaring masagasaan.

ahhh... dahil nga sa pagmamahal at respeto sa taong maapektuhan pero, ngunit, datapwat, subalit - HINDI sa taong iyon na may kasalanan...

May mga nais lang ako ibahagi, mga kaya ko pang sabihin, maaring sa puntong ito ay hindi ako magiging magaling na manlalahad dahil ako mismo ay pumipigil sa mga nais kong ilahad at iparating...

una at huling mensahe -- Matuto kang umarte sa kung ano at sino ka lang.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...