paano ko sasagutin ang mga tanong na kahit kailan
di mo naman tinanong, kung paano kita hahawakan...
kung sa panaginip... lang kita, makakasama
ikaw ang pinaka mahirap kong mahal,
mahal na kahit kailan hindi magiging akin
at kung magiging tayo, ikaw ang pinaka
matamis kong problema
paano kita mamahalin, kung wala ka na sa akin
paano mo ko mamahalin kung wala na ako sa'yo
ikaw ang pinakamalaki kong pag subok
kahit may mali, gusto kong gawin
ikaw ang dahilan, sarili ko'y nakakalimutan ko
nangako tayo pero pareho nating nawala
umasa sa wala,
para sa pagmamahalang hindi naging atin
humiling sa lahat... sa langit
nasa puso ka nasa isip ka, oras-oras, araw-araw
lagi kang naaalala
bakit ang layo mo, kahit malapit ka na sa akin