A woman's blog of Life - and living it Wisely!!

LIVE - LOVE - LAUGH - EAT - PRAY - LEARN - SURVIVE - THRIVE - INSPIRE -- and blog all of it!

Friday, February 25, 2011

kelan ang kasal???

just saying...

May mga tanong na parang kahit alam mo na ang sagot, gusto mo pa din itaning - at ng paulit - ulit..

kung sa sarili mo masaya sana isipin, maaring ang mga sagot sa mgatanong na yun ay nakaka tuwa o may mga naalala ka kay amo ginagawa sa sarili mo...

pero, pag ibang tao na ang nagtatanong, ang kuleettt!! nakaka bwiset. naka bad trip,

nakaka -  nakakapag isip ka ng oo nga no??


Ako ay nasa isang relasyon na tumatagal na ng 12 taon!!! OO, matagal na.. ibaba mo na yang baba mo at huwag mong iikot ang mga mata mo... kasi yun ay nung nagkabalikan na kami, pwera pa nuong highschool naming dalawa, na tumagal ng 2 1/2 na tyaon.. O, ayan na naman, nag rereact ka naman ng haaa???? talaga??? grabe ha??? -- oo grabe!!!!






Nung December, kinasal ang best friend kong si Joan... 3 years na yata sila ni Jeff, pero elementary clasmate namin siya.. ako ang Maid of Honor.. nakakatuwa kasi talagang, importante ang kasal nila. masya kaming lahat...





nakaka bwiset, may nagtanong. Ay mali pala, may MGA nagtatanong, oy, Jacq, kayo kelan ang kasal????


Nung January, kinasal ang pinsan kong si Bethchay... masaya din, pang mga Big time... nandun si Erap, si JV, si Binay, Sila Mayor, mayayaman at mg Sosyal na bisita...







Nag iikutan ang mga kwentuhan, naku Nakasal na si Sarabeth, si Clarissa na susunod.. wala ng nagsabi ng pangalan ni ko... tapos, may mga tanong na naman na kumalat...
 E si Jacq? kelan ang kasal??!!


Marahil sa mga malalpit sa akin at sa pamilya, hindi kaila na madaming pinagdaanan ang relasyon naming dalawa. Mga problemang hindi normal sa mga magka relasyon lang... (at ayoko nang balikan ang mga tagpong iyon)

Kung tutuusin, dapat masaya ako.. kasi, ngyon ko pa lang inu unti unting pulutin ang mga piraso ng nabasag naming relasyon... sabi nga, mabuo man ang nabasag, may lamat na.. Pero, dahil madami ng magic sa mundo... kahit konti, kumukupas ang lamat.. parang balat nga tao na ginagawa ni Belo... gumaganda din pala.

Ngyon lang kami nagsisimulang bumangon sa napaka sakit na nakaraan... at parang ngayon lang kami ulit nagsisimula... nag dedate, nag uusap ng mga plano sa buhay, nagkaka pera...

at kahit paminsan minsan na  mga napapag usapang nakaraan at hindi maiwasan ang away, medyo magaan ng dalhin sa dibdib..kasi pareho naming gusto ilaban ng patayan yung relasyon namin... kahit na sabihing ipinipilit... e wala na lang pakealaman - amin naman yun e.



Aaminin kong naka kilig ang mga kasalan.. nakaka inggit din... Pero EWAN ko ba at hindi ako nangarap ng napaka laking kasalan o ng traje de boda..


Aaminin kong ayaw ko ng ganung gulo dahil ayaw ko mag gown - hindi sa kin bagay... siguro pag payat na ko talaga.


Pangalawa, ayaw ko ng circus at yung mga eksena ng ilangan..  -- o tingin dito, tawa ng ganito, o yung damit, nasan ang belo, nasan ang cord??  -- e para saan ba talaga yung kung matagal na kayong pinag isa??




gusto ko lang yung kami lang sa pari - maaring may mga ilang kasama lang.. -- gusto ko yung tahimik, yung talagang usapang kasal, kami, pari at Diyos... palagay ko din kasi yun ang talagang kelangan namin e... 

hindi yung circus!!!!

tapos --  sa kainan at party na lang tayo magkita kita!! hahahaha!!!

Tama din si Joart, sa tagal na namin at sa daming problema namin, mahirap mag paka plastic sa isang okasyon na para lang ipakita sa iba na kasal na kami...


Minsan, ako man sa sarili ko, bilang babae, nag iisip na din at nagtatanong, Mahal, Kelan nga ba tayo ikakasal??? Mag popropose ka pa ba?? 

may maga takot na, paano na nga ba? kami pa ba sa mga dadating na panahon? paano na kami? paano na ako? ano na ba mangyayari?? 


kaya sa mga nagtatanong ng kung KAILAN, Sana maisip nila, Sila, sagot na Petsa lang ang kelangan nila marinig, samantalang, kaming dalawa, mga sagot sa buhay namin ang hinahanap namin...





ALAM kong dapat na -- at ALAM kong GUSTONG GUSTO na namin --- basta, wag kayong mainip, gumagayak lang kami... ng sitwasyon, ng tibay at lalim loob, ng malawak na pag-iisip,  ng buong relasyon namin, at higit sa lahat... ng Pera...

Sa ngayon, mahirap ipaliwanag sa mga tao ang kinalalagyan ng sitwasyon namin - pang unawa -- ito na lang muna nag paunang regalo nyo sa amin...





basta't alam ko sa sarili ko
 -- ikakasal ako... 
maaring hindi ko alam
 kung kailan... 
pero sana nga
 sa kanya pa rin... 









Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...