BIRO
Mapagbiro daw ang tadhana.
Parang sirang plaka diba?
Parang pagkakamali lang.
diba, ulit ulit lang?
Tumatanda ba talaga ko ng paurong
O sadyang tinatakasan ko lang sumulong?
Ang dami ko nang palpak.
Sanay ng lumagapak.
Bakit ba hindi ako matuto?
Bakit laging nauuto?
Bakit hanggang ngayon nandito?
Oo. Wala ka naman kasalanan.
Kasi pinili kong wala kang alam.
Meron man ay pili lang.
kasi mukang ako, para sayo ay hanggang dito lang.
Ilang beses ka nang bumalik.
Kita naman sayong mata
Parang nung tayo ay bata
Pareho tayong may ngiti.
Parehong may tuwa.
Parehong may saya.
Magkaibigan lang tayo. Oo. Kaibigan mo lang ako. Sorry ha. Mukang malabo.
Kasi mukang nahuhulog ako.
Masisi mo ba ko? Iba ka din magpasuko.
Huli mo loob ko.
Alam kong alam mo.
Huli ko din naman.
Alam ko din naman. Pero kung mali ang duda
Patawad. Natanga lang.
Pero mukang mas magaling kang magtago.
Pakiramdam ko tuloy ngayon ako’y gago.
Kung mali man ako sa duda ko.
Sorry ha. Hindi mo ko masisisi
At ayaw kong ikaw yung magsisi.
Tanggap ko nang hanggang dito lang tayo.
Huwag lang tayo magkalayo.
Magtitiis ako mag isa.
Ako na yung magkukusa.
Magisa na kong magluluksa
Ako na lang yung mawawala.
Sana dumating yung panahon
Kahit sa ibang pagkataon.
Tayo ay magtagpo.
At hindi na maglaho
Lahat ng ating tinago.
Lahat to ay isa lamang
BIRO!